Monday, October 5, 2009

MOMENT KO MUNA ^_^


o eto. moment ko na muna. :D haha.

mag papakilala lang sana ako. kasi hinde nyo naman ako kilala ih. para naman may back ground kayo kum sino or ano talaga yung binabasa mo. :)

ako po si Kristian. 20 taong gulang naka tira sa QC . i thank you bow.

ewan ko. wala kase tlaga akong masabi kapag dating sa describan ng sarili. kapag nagsasagot ako ng "describe your self" sa slumBook nung HS ako. wala akong nilalagay.haha.

tinanong ko yung pinsan ko kung anong ugali ba meron ako. sabi nya mabait naman daw ako kahit papano, un nga lang may ugali akong sadista sa mga bagay bagay. palatawa daw ako at mas matatawa sa mga korning Joke, ewan ko. di ko din kase masabe sa sarili ko na mabait nga ako. lab na lab nga ako ng pinsan ko na yun kasi wala daw akong tinatago sa kanya.ewan ko wala nga ba ?

sabi naman ng best buddie ko. maldita daw ako. kapag masakit mas lalo ko pa daw sinasaktan. kapag maayos ginugolo ko daw. kapag magulo mas lalo ko daw ginugulo. pero wala din daw akong nisisikret sa kanya. ewan ko wala nga ba ? :D haha

sige, ganito na lang. ikwekwento ko sayo kum pano ako mag lakad sa daan. :)

kapag nakikita na ako ng mga kaibigan ng kuya ko sa amin. tinatawag nila akong "PRE!". ewan ko kung bakit. minsan kapag naglalaro sila ng chess sa daan at alam na nila na dadaan ako itinatabi or tinatabunan na nila agad yung chess board na nilalaro nila, haha. pano kasi pag napag tripan ko sila at pahara hara sila sa daan sinisira ko laro nila. kunyare bigla akong madudulas at matutumba sa board, edi nasira na yung laro nila. wala ako paki kum may pustahan sila or ewan. basta nag eenjoy ako sa pang aalispusta ko sa kanila.

wan time pa. kapag nagkakaroon ng umpukan sa labas ng lote ng bahay namen, nakikisali ako sa umpukan nila ng mga barkada ng kuya ko para maki Laughtrip. xmpre hnde maiiwasan ang harutan. minsan sobrang kakatawa nung joker ng umpukan kinaskas ko sa bunganga nya yung tsinelas kong maputik yung talampakan. :D haha. natawa lang yung reaction nya sa ginawa ko. sira ulo daw ako kasi kumaskas daw ung putik sa ngipin nya. so ayun tawa ako ng tawa :D ewan ko. haha. pero nag eenjoy talaga akong kawawain sila :D

eto pa isa. nag kasundo pala lahat ng mga barkada ng kuya ko na sunduin ako pag kauwi from school. inabangan nila ako sa over pass, dahil medjo gabi na din nun *8pm* meron ng mga bantay sa over pass na mga tanod. napadalas yung gawain nilang ganun. wan time lahat sila gustong kunin yung bag ko, ewan ko siguro para sweet daw yung dating. sumabit yung Best Bud ko nun sa sunduan portion na yun. edi un nga. lahat na sila gustong kunin yung bag ko para sila n lang ang mag bitbit. e ayoko ibigay. imaginin mo, 4 na lalake inaagawan ka ng bag para sila na mag bitbit. sa sobrang inis ko sumigaw ako ng "SNATCHER! SNATCHER!". sumugod yung mga tanod at hinawakan na sa kwelyo yung isa ng isang lalakeng parang bouncer ata ng bar :D yung inis ko biglang nawala dahil tumawa ako ng malakas nung nag takbuhan sila nung sumigaw ako ng snatcher. ewan ko nag eenjoy kase talaga ako apihin ang mga lalake :D waha.

ewan ko talaga. pag sa mga friends ko naman na girls ako yung pinaka boyish ang act. pero enjoy naman ako pag kasama ko sila.

is there anymore words to describe me?

uhm.. o cge ganito. sa mga girls night out naman. ako yung palaging umuuna umuwe. ewan ko. basta gusto ko hnde ako gabihin, khit sabihin nila KJ ako at spoiler ng fun. tama na yung naki join ako. pero love pa rin naman ako ng mga kaibigan ko.

pag dating naman sa LAB life. ok naman. lahat naman ng nakakarelasyon ko nag tatagal.eh kasi iba daw ako e. alien kumbaga :D nagiging babae daw akong tunay pag andyan ang bf sa tabi. haha :D

iyakin ako pag mag isa :D hinde ako masyadong pala kausap pag hinde ko kilala :D ewan. kaibiganin mo na lang ako para malaman mo :D haha

^_~

Sunday, October 4, 2009

RoadfiLLness *bLog ResPonses :D



eto na. response and share ko sa lahat ng bLog ng RoadfiLL. hehe.

unahin na natin ung USAPANG LASING.
- natututo akong uminom ng alak way back 4th year high school. uso pa nun ung GIN tapos may haLo. sa mga TutyaL ata tawag dun GINTONIC. nakaka inis lang kasi the next day may mga allergy akong nag litawan. haha. ang kulet nga nun kase hnde naman talaga ako mabarkadang bata nun. pero dahil ayoko maging Kill Joy, napasama na ako sa yaya ng mga kaklase. ang masaya nun buong klase sumama nun *except for those unCool Klasmates*. mejo nadisappoint ako kase naman may karirang nagaganap. haha loko na pala talaga mga bata nuon pa. after siguro ng ilang oras umalis din ako agad. di ko kasi nakayanan yung mga nakikita ko. *siguro may idea kana kung ano, mejo conservative kasi ako nuon :D* after a week, nag yaya ulit sila, nakakatawa kasi pinanindigan ko na pagiging KJ ko. kaya hnde na ako sumama sa kanila. dahil good girl ako, uwi ako agad. inisip ko kung ano kaya ginagawa nila ngayon. kinaLunes-an, nag karoon ng issue ung section namin about sa mga magkakasamang nag inuman. may nag laro daw ng SPIN-THE-BOTTLE. haha. ang tawag sa dare "7 MINUTES IN HEAVEN". waaah haha ! isipin mo ha. :D may asset pala mga teachers namen. so un, lahat ng nag laro nun na detention :D bute na lang wala ako nun. haha. tsug !

ewan kung ano personality ko pag nalalasing. basta pag lasing na deretcho tulog. sabe ng best buddie ko kapag lasing daw ako hinde ko na daw alam kung nasan ako. kasi pag tulog wala ng gisingan hanggat mawala ang lasing. haha. sige na nga aaminin ko na, pag nalalasing kasi ako palagi ko nasasaktan sarili ko ng hinde sinasadya, katulad nung wan time, inuman with friends sa isang bahay, sa kalasingan at ka engotan ko pag pasok ko sa banyo pumasok sa drainage ng tubig yung isa kong paa. haha e dahil lasing na nga at hinde nanasasaktan dahil sa manhidan kaylangan pa ako itayo ng kainuman kong isa na nasa tabi lang ng banyo. haha. tapos tawa sya ng tawa. sabay pinalayas ako sa banyo, ayun nakalimutan ko na un dapat sana gagawin ko sa banyo. nakakatuwa lang isipin kasi mababait talaga mga kaibigan ko. haha. kahit sobrang lasing na ako wala akong kaibigan na nyakis :) mababait sila lahat dahil nirerespeto nila ako. yun nga lang sa akin naman sila nag papalakad sa mga girls kapag may gustoi sila karirin sa gitna ng inuman. weee ! haha.

eto naman. KITS TALKS ABOUT VIDEOKE TOO :D
- hinde ako nag vivideoke sa ibang lugar, kundi sa bahay lang namin :D haha. half bisaya kasi ako dahil mama ko bisaya pure :D at ang mga Bisaya ay Sooobrang hilis mag videoke. haha. kahit wala na sa tono go lang ng go. mahilig ako sa mga Labsongs pag dating sa kantahan. kasi ung mga dance song pang powerful voices lang un :D naalala ko nung pers year college napakanta ako ng BECAUSE OF YOU ni Kelly Clarkson, as in Bonggang Bongga ang boses ko. ang comment sa kin ng mga kaklase ko para daw akong kumakanta sa birit bulilit :D haha.

top 3 picks ko sa mga videoke songs:
- anything for you . dko maalala kung sino kumanta pero ang cool ng boses ko kapag eto kinakanta ko. haha
- i feel for you by Kyla. idol ko kase c kyla kaya minsan ginagaya ko ung pag kanta nya. ok naman. nagagaya ko naman daw ung boses nya sabe ng mga kaklase ko.
- beautiful by christina aguilera. hehe wala lang. ang kulet kc ng mga pakulot ng voice dito kaya minsan ginagaya ko din.

asahan mo tuwing linggo ng hapon bumibirit ako sa amin. hehe. wala namang nambabato ng bubong saken. siguro gusto din nila boses ko :D wahaha may ganun tlga.

eto din. KWENTONG NAKAKATAKOT.
- unfortunately wala akong masyadong experience about this blog. lumaki ako sa probinsya from grade 3 to 5, kaya pinaniwala ako nun sa mga engkanto. pero netong malaki na ako , parang ang hirap ko na maniwala. pero mayron akong mga karanasan na sasabihin sayo. ewan ko kung malik mata lang tlaga or totoo.

college days, ang klase ko is 10:00 am, gising ng 8am, naabutan ko lola ko sa kusina lumalamon :D *sa ibang bahay nakatira ang lola ko* edi un nga. naging daily routine ko sa umaga pag kagising na haharap muna sa salamin at babatiin ang sarili ko ng "ang Kyut mo talaga :D" pero joke lang un. edi un nga, habanag nakatingin sa salamin, may dumaan sa likod ko na babae, umikot pa ako para lang makita kung sino un, eh ang tao lang naman nun c mama at c lola. c mama nakita ko nag papLantsa, c lola d ko na nakita sa lamesa, imposible lola ko un kase ugud ugud na lakad nun, e ambilis nung nakita ko. sinilip ko ang lola nasa lababo pala. weee sino kaya un? :D

eto pa, nakwento sken ng pinsan ko na madalas sumasakit un ulo nya. bagong lipat kase sya sa bahay ni lola, *wahaha scary naman* nun wan time mag kasama kami, biglang sumakit ulo nya daw. bago nya sabihin un nakatitig lang ako sa kanya dahil iniisip ko yung sasabihin ko sana sa kanya. saka nya binanggit na bigla nnman sumakit ulo nya, nakaka gulat kasi parang may nakita akong kamay na kulubot na mahahabang kuko sa humaplos sa ulo nya. hinde ko muna sinabe sa kanya baka kasi matakot sya. so yun everytime na sumasakit ulo nya parang ganun nga ang nangyayare at nakikita ko. hanggang sa nasabi nya sakin na parang namamalikmata daw sya at nakakakita sa ng putol na kamay pagala gala sa bahay ni lola. sYit! so un nabanggit ko na , na ganun nga ung nakikita ko. nag derscribe-ban pa kame ng itchura nung kamay, eh saktong sakto kame sa isa't isa ng pag kaka larawan. natakot sya pati na rin ako. so ayun. pinag tiisan nya hanggang naka balik sya ult sa probinsya nila.

sabi ng mama ko may dugong U-NGO daw kame. kaya mahahaba ang buhay namin magkakamag anak. ang lola ko kc nasa 80 something na e. life span ng tao nuon umaabot sa 100, ngayon swerte na pag umabot ng 70. so ayun. bahala na din. haha.

USAPANG KOMYUT.
- hnde naman ako maxadong hirap sa pag kokomyut kase malalapit lang naman mga school napinasukan ko mula grade school to college.
madalas puro jeep, tryk at lakad lang ang ginagawa ko. minsan sasakay ng lrt or mrt kapag nagmamadali sa mga pupuntahan. bus din minsan pag walang masakyan. so yun. boring :D haha.


so .. eto muna , saka na yung iba, masyado palang madaming blog ang roadfill , mukang hnde ko kakayanin tapusin lahat ngayon :D ehee.

kaway sa roadfiLL :D *wink*